Ako ay Isang Iskolar ng Bayan dahil sa Iskolar ng Bayan Law ni Cong. Roman Romulo.
Hindi man ako galing sa pinakamahirap na pamilya, alam ko kaya itaguyod ng mama at papa ko ang pagaaral ko sa college, pero nakakahiya kasi hirap na hirap sila magpaaral ng 4 na anak.
Ang laking biyaya ng iskolar ng bayan. Isipin mo, nabawasan ng isang pinapaaral ang magulang ko.
For the first time naisip ko, may ginagawa rin palang mahusay at kapakipakinabang ang mga mambabatas natin.
Itong pahina na ito, isang paraan ko ng pasasalamat at pagsuporta sa Congressman na ginawang posible na makapagaral ako ng libre.
Ikakampanya ko po kayo, dahil alam ko madami ka pang matutulungan.
Dahil naniniwala ako na kailangan natin si Cong. Roman Romulo sa senado.
Kung nababasa niyo po ito, sana makatulong ito. Sana makita ko po kayo sa inyong pagiikot sa panahon ng Kampanya.
Mula sa aking buong pamilya, maraming salamat po.